Filipino: Iyong pagkakakilanlan

maxresdefault
Enter a caption

Dumadaloy sa bawat ugat natin ang ating pagka pilipino. Sukdulan man ang kaapihan ng ating nakaraan may umaga na rin tayong nalalasap. Sa kalayaang ating natamasa dulot ng  kapangyarihan ng wika masasabi nating “Ako ay Pilipino!”. Kay layo na ng ating narating mula sa pagkagapos natin sa mga banyagang wikang naging talamak sa ating lipunan noon. Hahayaan pa ba nating mas maging lipanang naghahari ang wika ng iba kaysa sa ating sariling namulatang wika?

Sana ay hindi magiging ganoon at aabot sa sukdulan ng pagkawala ng ating amang wika. Pagyamanin mo ang ating wika, magsulat at magbasa ka ng mga tula, kwento, nobela at iba pa na ang haring namumuno ay hindi ang ibang wika kundi  ang sariling atin. Saang  dako ng Pilipinas  ka man  naroroon itaas mo ang iyong kayumangging pagkakakilanlan na walang halong pagkahiya kung sino ka.

Author: Daloydiwa

I love writing poems