Dito na tayo!

01fffaa69d1cda2c6823299bfd1f21c3Yaman ng ating kultura mula sa dakong hilaga hanggang sa dakong timog, dakilang mga panitikan mula pa sa pagsilang ng Perlas ng Silangan tulad ng mga epiko, tula, nobela, maikling kwento, sanaysay, bugtong at iba pa ay mararanasan dito pati na ang kislap ng ating kahapon. Hindi rin mawawala ang gintong Balarila ng ating pinagyamang  wikang  Filipino.

Akala ng karamihan na walang saysay ang pag-aaral at pagtuturo ng ating wika ngunit sa katunayan isa itong pagkakakilanlan na kailan man ay hindi dapat natin kalimutan. Kaugnay na ito ng ating kultura at walang sino man ang makapaghihiwalay nito. Kung ano tayo ngayon ay siya ring bunga ng kapangyarihan ng ating wika na nagtayo ng malaking larawan ng ating kahapon at s`ya ring ating magiging tulay para sa hinaharap na pag-unlad.

Magtulungan tayong buhayin at ipalaganap ang paggamit ng ating wika. Huwag nating ikahiya kung ano ang meron tayo. Sikapin nating maging daan upang mapanatili ito hanggang sa susunod na mga salinlahi . Ito`y pagyamanin at paunlarin nang matagumpay nating mabigyang parangal ang nakaraan.

Dito na tayo sa Filipino! Maging isa sa mga guro na nagpapalaganap ng ating wikang pambansa.

 

Filipino: Iyong pagkakakilanlan

maxresdefault
Enter a caption

Dumadaloy sa bawat ugat natin ang ating pagka pilipino. Sukdulan man ang kaapihan ng ating nakaraan may umaga na rin tayong nalalasap. Sa kalayaang ating natamasa dulot ng  kapangyarihan ng wika masasabi nating “Ako ay Pilipino!”. Kay layo na ng ating narating mula sa pagkagapos natin sa mga banyagang wikang naging talamak sa ating lipunan noon. Hahayaan pa ba nating mas maging lipanang naghahari ang wika ng iba kaysa sa ating sariling namulatang wika?

Sana ay hindi magiging ganoon at aabot sa sukdulan ng pagkawala ng ating amang wika. Pagyamanin mo ang ating wika, magsulat at magbasa ka ng mga tula, kwento, nobela at iba pa na ang haring namumuno ay hindi ang ibang wika kundi  ang sariling atin. Saang  dako ng Pilipinas  ka man  naroroon itaas mo ang iyong kayumangging pagkakakilanlan na walang halong pagkahiya kung sino ka.